Ngayong Linggo ng Palaspas ay inihahanda tayo ng ating mga pagbasa, at ebanghelyo sa papalapit na paggunita natin sa pagpapakasakit, kamatayan at muling pagkabuhay ng ating Panginoong Hesukristo.
Sa araw na ito ay atin ring ginugunita ang maringal na pagpasok ni Hesus sa bayan ng Jerusalem kung saan siya’y binati ng mga tao habang iwinawasiwas ang kani-kanilang palaspas, bilang tanda ng pagpupuri, at kagalakan sa pagdating niya habang sumisigaw ng “Purihin ang anak ni David”.