Ang Pagdating ng Imahen at Reklya ni Beato Carlo Acutis Sa Diyosesis ng Tarlac.
Dumating na sa Diyosesis ng Tarlac ang imahen at relikya ni Beato Carlo Acutis noong nakaraang Linggo, ika-5 ng Marso, 2023. Una nitong binisita ang Katedral ng Tarlac na pinaunlakan ng mga pari, religious organizations, at mga kabataan mula sa ilang parokya.
Ang imahen at relikya ay iikot sa lahat ng Bikaryato hanggang ika-8 ng Mayo, 2023.
Kaya’t inaanyayahan ang lahat na makiisa sa biyaheng ito ni Kuya Carlo.