Diocese of Tarlac

π—©π—œπ—©π—˜π—₯π—˜ 𝗖𝗛π—₯π—œπ—¦π—§π—¨π—¦ π—˜π—¦π—§ | 𝗣𝗔𝗣𝗨π—₯π—œ’𝗧 π—£π—”π—¦π—”π—¦π—”π—Ÿπ—”π— π—”π—§

DIOCESE OF TARLAC

60th Founding Anniversary

May 10, 1963 – May 10, 2023

π˜“π˜¦π˜΅ 𝘢𝘴 𝘒𝘭𝘭 𝘴𝘡𝘒𝘳𝘡 𝘡𝘩𝘦 𝘀𝘰𝘢𝘯𝘡π˜₯𝘰𝘸𝘯! 29 π˜‹π˜’π˜Ίπ˜΄ 𝘡𝘰 𝘨𝘰!

𝑺𝒂𝒏 π‘Ίπ’†π’ƒπ’‚π’”π’•π’Šπ’‚π’, 𝑷𝒂𝒕𝒓𝒐𝒏 π’π’ˆ π‘«π’Šπ’šπ’π’”π’†π’”π’Šπ’” π’π’ˆ 𝑻𝒂𝒓𝒍𝒂𝒄

Tapang at pagmamahal sa pananampalataya β€” ilan lamang ito sa mga salitang naglalarawan sa naging buhay ni San Sebastian. Ang kanyang pagmamahal sa Diyos ay higit pa sa sakit na dinanas niya mula sa pana ng mga pagsubok.

Lumaki at ipinanganak sa Milan nang may pangarap na maging isang sundalo. Naisakatuparan ito at siya ay nagsilbi sa ilalim ng pamumuno ni Diocletian, ang emperador noong panahon na iyon. Hindi lingid sa kaalaman ng lahat na ang katatagan at tapang sa pagpapahayag ng pananampalataya ni San Sebastian ay ang tumulong sa panunumbalik ng ilang mga pinuno sa pagiging Kristiyano. Siya din ay nagpakita ng mga himala. Dahil dito, naging laman siya ng mga balita sa iba’t ibang lugar, at maraming mga tao ang nanumbalik at lumakas ang pananampalataya sa Diyos. Ngunit tunay nga na hindi lahat ay mapipilit na sangayunan ang misyon natin. Tulad ni Diocletian, hindi niya ikinatuwa ang mga ginagawang pagpapahayag ng pananampalataya ni San Sebastian. Dagdag pa rito ay ang kanyang pagiging Kristiyano, na noon ay laganap ang pagpatay. Bilang parusa, ipinahuli niya ito at hinatulan ng kamatayan sa pamamagitan ng sibat, habang siya ay nakatali sa isang puno. Ito ay isinapubliko upang maging babala sa mga nagnanais gumawa nang hindi kalugod-lugod sa mata ng emperador. Nang matapos iyon ay iniwanan nila ang kalunos-lunos na katawan ni San Sebastian na akala’y patay na. Ngunit may isang Kristyanong babae na nagngangalang Irene ang nakatagpo sa katawan ni San Sebastian at nalaman na siya ay buhay pa. Tinulungan nya ito at ginamot hanggang sa siya ay gumaling. Masasabi na hindi sa dami ng palaso ang makapagpapatigil ng pagpapahayag ni San Sebastian ng kanyang pananampalataya. Sapagkat nang manumbalik ang kanyang lakas ay binalikan niya ang emperador upang ipahayag ang kanyang pagtutol sa marahas na paguusig laban sa mga Kristyano. Ito ay tunay na ikinagulat ni Diocletian. Sapagkat ang inaakala niyang pinapatay niya ay nakatayo sa kanyang harapan suot ang katapangan at paninindigan ng isang Kristiyano. Sa pangalawang pagkakataon ay ipinadakip muli ni Diocletian si Sebastian at ipinapatay. Ngunit sa puntong ito ay pinaslang siya sa pamamagitan ng pambubugbog hanggang sa tuluyang mamatay. Pagkatapos noon ay itinapon ang kanyang katawan sa isang kanal.

Ang kanyang buhay ay puno ng sakit pero hindi kailanman namatay ang kanyang pananampataya sa Diyos. Hanggang sa kanyang huling hininga, pinuri niya ang Diyos. Ang kanyang buhay ay isang inspirasyon upang patuloy tayong maging matapang at matatag sa ating paniniwala.

Related Articles

344043212_1754011925054231_7885609687479072292_n

π—©π—œπ—©π—˜π—₯π—˜ 𝗖𝗛π—₯π—œπ—¦π—§π—¨π—¦ π—˜π—¦π—§ | 𝗣𝗔𝗣𝗨π—₯π—œ’𝗧 π—£π—”π—¦π—”π—¦π—”π—Ÿπ—”π— π—”π—§

DIOCESE OF TARLAC

60th Founding Anniversary

May 10, 1963 – May 10, 2023

π˜“π˜¦π˜΅ 𝘢𝘴 𝘒𝘭𝘭 𝘴𝘡𝘒𝘳𝘡 𝘡𝘩𝘦 𝘀𝘰𝘢𝘯𝘡π˜₯𝘰𝘸𝘯! 10 π˜‹π˜’π˜Ίπ˜΄ 𝘡𝘰 𝘨𝘰!

343742494_647476607218656_6136656409556212385_n

π—©π—œπ—©π—˜π—₯π—˜ 𝗖𝗛π—₯π—œπ—¦π—§π—¨π—¦ π—˜π—¦π—§ | 𝗣𝗔𝗣𝗨π—₯π—œ’𝗧 π—£π—”π—¦π—”π—¦π—”π—Ÿπ—”π— π—”π—§

DIOCESE OF TARLAC

60th Founding Anniversary

May 10, 1963 – May 10, 2023

π˜“π˜¦π˜΅ 𝘢𝘴 𝘒𝘭𝘭 𝘴𝘡𝘒𝘳𝘡 𝘡𝘩𝘦 𝘀𝘰𝘢𝘯𝘡π˜₯𝘰𝘸𝘯! 11 π˜‹π˜’π˜Ίπ˜΄ 𝘡𝘰 𝘨𝘰!

343564561_146549618215315_433285656433604477_n

π—©π—œπ—©π—˜π—₯π—˜ 𝗖𝗛π—₯π—œπ—¦π—§π—¨π—¦ π—˜π—¦π—§ | 𝗣𝗔𝗣𝗨π—₯π—œ’𝗧 π—£π—”π—¦π—”π—¦π—”π—Ÿπ—”π— π—”π—§

DIOCESE OF TARLAC

60th Founding Anniversary

May 10, 1963 – May 10, 2023

π˜“π˜¦π˜΅ 𝘢𝘴 𝘒𝘭𝘭 𝘴𝘡𝘒𝘳𝘡 𝘡𝘩𝘦 𝘀𝘰𝘢𝘯𝘡π˜₯𝘰𝘸𝘯! 12 π˜‹π˜’π˜Ίπ˜΄ 𝘡𝘰 𝘨𝘰!